Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 54

وَلَوْ أَنَّ لِكُلِّ نَفْسٍ ظَلَمَتْ مَا فِي الْأَرْضِ لَافْتَدَتْ بِهِ ۗ وَأَسَرُّوا النَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ ۖ وَقُضِيَ بَيْنَهُمْ بِالْقِسْطِ ۚ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ 54 ٥٤

Kung sakaling taglay ng bawat kaluluwa na lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa ay talagang tutubos siya nito. Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Huhusga sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan. (54)

Tafsīr
Kung sakaling taglay ng bawat tagapagtambal kay Allāh ang lahat ng anumang nasa lupa na mga yamang mamahalin ay talaga sanang gagawin niya ito bilang panumbas sa pagkalas niya sa parusa ni Allāh. Ito ay kung sakaling bibigyan siya ng pagkakataon na ipantubos ito. Ikukubli ng mga tagapagtambal ang pagsisisi sa kawalang-pananampalataya nila kapag nakasaksi sila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Maghuhusga si Allāh sa pagitan nila ayon sa katarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Gagantihan lamang sila ayon sa mga gawa nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba