Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 54 sa 109 • Tagalog


وَلَوْ أَنَّ لِكُلِّ نَفْسٍ ظَلَمَتْ مَا فِي الْأَرْضِ لَافْتَدَتْ بِهِ ۗ وَأَسَرُّوا النَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ ۖ وَقُضِيَ بَيْنَهُمْ بِالْقِسْطِ ۚ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ 54
Pagsasalin:
Kung sakaling taglay ng bawat kaluluwa na lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa ay talagang tutubos siya nito. Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Huhusga sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Yūnus 10:54
Tafsīr:
Kung sakaling taglay ng bawat tagapagtambal kay Allāh ang lahat ng anumang nasa lupa na mga yamang mamahalin ay talaga sanang gagawin niya ito bilang panumbas sa pagkalas niya sa parusa ni Allāh. Ito ay kung sakaling bibigyan siya ng pagkakataon na ipantubos ito. Ikukubli ng mga tagapagtambal ang pagsisisi sa kawalang-pananampalataya nila kapag nakasaksi sila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Maghuhusga si Allāh sa pagitan nila ayon sa katarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Gagantihan lamang sila ayon sa mga gawa nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 53 Susunod Yūnus • Talata 55