Nagpapabalita sila sa iyo kung totoo ba ito? Sabihin mo: “Siya nga; sumpa man sa Panginoon ko, tunay na ito ay talagang totoo, at kayo ay hindi mga makalulusot.” Yūnus 10:53 ⧉
Tafsīr:
Nagpapaulat sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal: "Ang pagdurusang ito ba na ipinangako sa amin ay totoo?" Sabihin mo sa kanila: "Oo; tunay na ito – sumpa man kay Allāh – ay talagang totoo, at kayo ay hindi mga makatatakas mula rito."