Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Pansinin, tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. Yūnus 10:55 ⧉
Tafsīr:
Pakaalamin, tunay na sa kay Allāh lamang ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga langit at ang pagmamay-ari ng anumang nasa lupa. Pakaalamin, tunay na ang pangako ni Allāh ng pagpaparusa sa mga tagatangging sumampalataya ay magaganap, walang pag-aalangan hinggil doon, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya nagdududa sila.