Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Sa kabutihang-loob ni Allāh at sa awa Niya, doon ay magalak sila; ito ay higit na mabuti kaysa sa iniipon nila.” (58)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Ang inihatid ko sa inyo na Qur'ān ay isang kagandahang-loob mula kay Allāh sa inyo at isang awa mula sa Kanya sa inyo. Kaya sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya sa inyo dahil sa pagpapababa ng Qur'ān na ito ay magalak kayo, hindi sa iba pa sa mga ito sapagkat ang anumang inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Panginoon niya ay higit na mabuti kaysa sa iniipon nila na mga panandaliang basura ng Mundo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: