Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagtatanong sila sa iyo kung ano ang ipinahintulot para sa kanila. Sabihin mo: “Ipinahintulot sa inyo ang mga kaaya-aya at ang [nahuli ng] tinuruan ninyo na mga nangangasong hayop, bilang mga sinanay mangaso, na tinuturuan ninyo ang mga ito ng mula sa itinuro sa inyo ni Allāh. Kaya kumain kayo mula sa nahuli ng mga ito para sa inyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito.” Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos. (4)
Tafsīr
Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga Kasamahan mo kung ano ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila na kainin. Sabihin mo, O Sugo: "Nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng anumang naging kaaya-aya sa mga pagkain at ng pagkain ng pinangaso ng mga sinanay na mga hayop na may mga pangil gaya ng mga aso at mga leopardo at mga ibong may mga pandagit na kuko gaya ng mga lawin. Nagturo kayo sa mga ito ng pangangaso, na kabilang sa iminagandang-loob ni Allāh sa inyo na kaalaman sa paghubog sa mga ito hanggang sa kapag inuutusan ang mga ito ay nauutusan ang mga ito at kapag pinipigilan ang mga ito ay napipigilan ang mga ito. Kaya kumain kayo mula sa nahuli ng mga ito kabilang sa pinangangasong hayop kahit pa man napatay na. Bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa pagpapawala sa mga ito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pagpipigil sa mga sinasaway Niya." Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: