Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 5

هُوَ الَّذِي جَعَلَ الشَّمْسَ ضِيَاءً وَالْقَمَرَ نُورًا وَقَدَّرَهُ مَنَازِلَ لِتَعْلَمُوا عَدَدَ السِّنِينَ وَالْحِسَابَ ۚ مَا خَلَقَ اللَّهُ ذَٰلِكَ إِلَّا بِالْحَقِّ ۚ يُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ 5 ٥

Siya ang gumawa sa araw bilang tanglaw at sa buwan bilang liwanag at nagtakda rito ng mga yugto upang malaman ninyo ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos. Hindi lumikha si Allāh niyon kundi ayon sa katotohanan. Nagdedetalye Siya ng mga tanda para sa mga taong umaalam. (5)

Tafsīr
Siya ang gumawa sa araw na sumisinag ng tanglaw at nagkakalat nito at gumawa sa buwan bilang liwanag na ipinanliliwanag. Nagtakda Siya sa pag-inog ng buwan ng bilang ng mga yugto nito na dalawampu't walo. Ang yugto ay ang distansiyang tinatahak nito sa bawat araw at gabi. [Ito ay] upang malaman ninyo, O mga tao, sa pamamagitan ng araw ang bilang ng mga araw at sa pamamagitan ng buwan ang bilang ng mga buwan at mga taon. Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at ng anumang nasa pagitan ng mga ito kundi ayon sa katotohanan upang lumitaw ang kakayahan Niya at ang kadakilaan Niya sa mga tao. Naglilinaw si Allāh nitong mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag sa kaisahan Niya para sa mga taong umaalam sa pagpapatunay roon sa pamamagitan ng mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba