Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 61

وَمَا تَكُونُ فِي شَأْنٍ وَمَا تَتْلُو مِنْهُ مِنْ قُرْآنٍ وَلَا تَعْمَلُونَ مِنْ عَمَلٍ إِلَّا كُنَّا عَلَيْكُمْ شُهُودًا إِذْ تُفِيضُونَ فِيهِ ۚ وَمَا يَعْزُبُ عَنْ رَبِّكَ مِنْ مِثْقَالِ ذَرَّةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ وَلَا أَصْغَرَ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرَ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ 61 ٦١

Hindi ka nasa isang pinagkakaabalahan, hindi ka bumibigkas mula sa bahagi ng Qur’ān, at hindi kayo gumagawa ng anumang gawain malibang Kami sa inyo ay saksi noong nagsasagawa kayo niyon. Walang nawawaglit buhat sa Panginoon mo na kasimbigat ng isang katiting sa lupa ni sa langit, ni higit na maliit kaysa roon ni higit na malaki malibang nasa isang talaang malinaw. (61)

Tafsīr
Hindi ka, O Sugo, nasa isang kalagayan kabilang sa mga kalagayan, hindi ka bumibigkas ng isang bahagi ng Qur’ān, at hindi kayo gumagawa, O mga mananampalataya, ng anumang gawain malibang Kami ay nakakikita sa inyo habang nakaaalam sa inyo at nakaririnig sa inyo kapag nagsisimula kayo sa paggawa, na mga nagsisigasig dito. Walang naililingid sa kaalaman ng Panginoon mo na kasimbigat ng isang maliit na langgam sa langit o sa lupa, ni higit na maliit kaysa sa timbang niyon ni higit na malaki, malibang iyon ay nakatala sa isang talaang maliwanag, na hindi nag-iiwan ng maliit ni malaki malibang binibilang nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba