Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 61 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 61 sa 109 • Tagalog


وَمَا تَكُونُ فِي شَأْنٍ وَمَا تَتْلُو مِنْهُ مِنْ قُرْآنٍ وَلَا تَعْمَلُونَ مِنْ عَمَلٍ إِلَّا كُنَّا عَلَيْكُمْ شُهُودًا إِذْ تُفِيضُونَ فِيهِ ۚ وَمَا يَعْزُبُ عَنْ رَبِّكَ مِنْ مِثْقَالِ ذَرَّةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ وَلَا أَصْغَرَ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرَ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ 61
Pagsasalin:
Hindi ka nasa isang pinagkakaabalahan, hindi ka bumibigkas mula sa bahagi ng Qur’ān, at hindi kayo gumagawa ng anumang gawain malibang Kami sa inyo ay saksi noong nagsasagawa kayo niyon. Walang nawawaglit buhat sa Panginoon mo na kasimbigat ng isang katiting sa lupa ni sa langit, ni higit na maliit kaysa roon ni higit na malaki malibang nasa isang talaang malinaw. Yūnus 10:61
Tafsīr:
Hindi ka, O Sugo, nasa isang kalagayan kabilang sa mga kalagayan, hindi ka bumibigkas ng isang bahagi ng Qur’ān, at hindi kayo gumagawa, O mga mananampalataya, ng anumang gawain malibang Kami ay nakakikita sa inyo habang nakaaalam sa inyo at nakaririnig sa inyo kapag nagsisimula kayo sa paggawa, na mga nagsisigasig dito. Walang naililingid sa kaalaman ng Panginoon mo na kasimbigat ng isang maliit na langgam sa langit o sa lupa, ni higit na maliit kaysa sa timbang niyon ni higit na malaki, malibang iyon ay nakatala sa isang talaang maliwanag, na hindi nag-iiwan ng maliit ni malaki malibang binibilang nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 60 Susunod Yūnus • Talata 62