Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 60 sa 109 • Tagalog


وَمَا ظَنُّ الَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ 60
Pagsasalin:
Ano ang pagpapalagay ng mga gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan sa Araw ng Pagbangon? Tunay na si Allāh ay talagang may kagandahang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat. Yūnus 10:60
Tafsīr:
Aling bagay ang ipinagpapalagay ng mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban sa Kanya na magaganap sa kanila sa Araw ng Pagbangon? Nagpapalagay ba sila na magpapatawad Siya sa kanila? Malayong mangyari! Tunay na si Allāh ay talagang may pagmamagandang-loob sa mga tao dahil sa pagpapalugit sa kanila at hindi pagmamadali sa kanila sa kaparusahan, subalit ang higit na marami sa kanila ay mga nagkakaila sa mga biyaya ni Allāh sa kanila kaya hindi sila nagpapasalamat sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 59 Susunod Yūnus • Talata 61