Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 66)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 66

أَلَا إِنَّ لِلَّهِ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ ۗ وَمَا يَتَّبِعُ الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ شُرَكَاءَ ۚ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ 66 ٦٦

Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa. Hindi sumusunod sa mga pantambal [kay Allāh] ang mga dumadalangin sa bukod pa kay Allāh. Hindi sila sumusunod kundi sa palagay at wala silang [ginagawa] kundi naghahaka-haka. (66)

Tafsīr
Pansinin, tunay na sa kay Allāh lamang ang paghahari sa sinumang nasa mga langit at ang paghahari sa sinumang nasa lupa. Sa aling bagay sumusunod ang mga tagapagtambal na sumasamba sa bukod pa kay Allāh bilang mga pantambal? Hindi sila sumusunod, sa katotohanan, kundi sa pagdududa at wala silang [ginagawa] kundi nagsisinungaling sa pag-uugnay nila ng mga pantambal kay Allāh. Pagkataas-taas si Allāh para sa sabi nila ayon sa kataasang malaki.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba