Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa. Hindi sumusunod sa mga pantambal [kay Allāh] ang mga dumadalangin sa bukod pa kay Allāh. Hindi sila sumusunod kundi sa palagay at wala silang [ginagawa] kundi naghahaka-haka. Yūnus 10:66 ⧉
Tafsīr:
Pansinin, tunay na sa kay Allāh lamang ang paghahari sa sinumang nasa mga langit at ang paghahari sa sinumang nasa lupa. Sa aling bagay sumusunod ang mga tagapagtambal na sumasamba sa bukod pa kay Allāh bilang mga pantambal? Hindi sila sumusunod, sa katotohanan, kundi sa pagdududa at wala silang [ginagawa] kundi nagsisinungaling sa pag-uugnay nila ng mga pantambal kay Allāh. Pagkataas-taas si Allāh para sa sabi nila ayon sa kataasang malaki.