Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 67 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 67 sa 109 • Tagalog


هُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ 67
Pagsasalin:
Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi upang mamahinga kayo rito at ng maghapon bilang nagbibigay-paningin. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig. Yūnus 10:67
Tafsīr:
Siya lamang ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng gabi upang mamahinga kayo rito sa pagkilos at pagod at gumawa ng maghapon bilang nagbibigay-tanglaw upang magpunyagi kayo rito para sa nagdudulot sa inyo ng pakinabang sa kabuhayan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga patunay na maliwanag para sa mga taong dumidinig nang may pagdinig ng pagsasaalang-alang at pagtanggap.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 66 Susunod Yūnus • Talata 68