Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 68 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 68 sa 109 • Tagalog


قَالُوا اتَّخَذَ اللَّهُ وَلَدًا ۗ سُبْحَانَهُ ۖ هُوَ الْغَنِيُّ ۖ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ إِنْ عِنْدَكُمْ مِنْ سُلْطَانٍ بِهَٰذَا ۚ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ 68
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Gumawa si Allāh ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya! Siya ay ang Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Wala kayong taglay na anumang katunayan dito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman? Yūnus 10:68
Tafsīr:
Nagsabi ang isang pangkat kabilang sa mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Pagkabanal-banal si Allāh para sa sinasabi nila sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya. Sa Kanya ang paghahari sa anumang nasa mga langit at ang paghahari sa anumang nasa lupa. Wala kayong taglay, O mga tagapagtambal, na patotoo sa sabi ninyong ito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng isang salitang mabigat – yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak – na hindi ninyo nalalaman ang katotohanan niyon nang walang patotoo?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 67 Susunod Yūnus • Talata 69