Sabihin mo: “Tunay na ang mga gumawa-gawa hinggil kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay.” Yūnus 10:69 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang mga lumilikha-likha hinggil kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng anak sa Kanya ay hindi magtatamo ng hinihiling nila at hindi maliligtas mula sa pinangingilabutan nila."