Isang natatamasa sa Mundo, pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan nila. Pagkatapos magpapalasap Kami sa kanila ng pagdurusang matindi dahil dati silang tumatangging sumampalataya. Yūnus 10:70 ⧉
Tafsīr:
Kaya huwag silang malinlang sa tinatamasa nila na mga sarap sa Mundo at kaginhawahan dito sapagkat ito ay natatamasang kaunti na maglalaho. Pagkatapos tungo kay Allāh ang pagbabalik nila sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos magpapalasap si Allāh sa kanila ng pagdurusang malakas dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa Sugo Niya.