Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 67

هُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ 67 ٦٧

Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi upang mamahinga kayo rito at ng maghapon bilang nagbibigay-paningin. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig. (67)

Tafsīr
Siya lamang ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng gabi upang mamahinga kayo rito sa pagkilos at pagod at gumawa ng maghapon bilang nagbibigay-tanglaw upang magpunyagi kayo rito para sa nagdudulot sa inyo ng pakinabang sa kabuhayan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga patunay na maliwanag para sa mga taong dumidinig nang may pagdinig ng pagsasaalang-alang at pagtanggap.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba