Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 68)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 68

قَالُوا اتَّخَذَ اللَّهُ وَلَدًا ۗ سُبْحَانَهُ ۖ هُوَ الْغَنِيُّ ۖ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ إِنْ عِنْدَكُمْ مِنْ سُلْطَانٍ بِهَٰذَا ۚ أَتَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ 68 ٦٨

Nagsabi sila: “Gumawa si Allāh ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya! Siya ay ang Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Wala kayong taglay na anumang katunayan dito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman? (68)

Tafsīr
Nagsabi ang isang pangkat kabilang sa mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Pagkabanal-banal si Allāh para sa sinasabi nila sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya. Sa Kanya ang paghahari sa anumang nasa mga langit at ang paghahari sa anumang nasa lupa. Wala kayong taglay, O mga tagapagtambal, na patotoo sa sabi ninyong ito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng isang salitang mabigat – yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak – na hindi ninyo nalalaman ang katotohanan niyon nang walang patotoo?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba