Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 72)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 72

فَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَمَا سَأَلْتُكُمْ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُسْلِمِينَ 72 ٧٢

Ngunit kung tumalikod kayo ay hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop.” (72)

Tafsīr
Ngunit kung nangyaring kayo ay umayaw nga sa paanyaya ko, nalaman na ninyo na ako ay hindi humiling mula sa inyo ng isang ganti dahil sa pagpapaabot sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko. Walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, sumampalataya man kayo sa akin o tumanggi kayong sumampalataya. Nag-utos sa akin si Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagpapaakay sa Kanya sa pagtalima at gawang maayos."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba