Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 72 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 72 sa 109 • Tagalog


فَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَمَا سَأَلْتُكُمْ مِنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُسْلِمِينَ 72
Pagsasalin:
Ngunit kung tumalikod kayo ay hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop.” Yūnus 10:72
Tafsīr:
Ngunit kung nangyaring kayo ay umayaw nga sa paanyaya ko, nalaman na ninyo na ako ay hindi humiling mula sa inyo ng isang ganti dahil sa pagpapaabot sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko. Walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, sumampalataya man kayo sa akin o tumanggi kayong sumampalataya. Nag-utos sa akin si Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagpapaakay sa Kanya sa pagtalima at gawang maayos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 71 Susunod Yūnus • Talata 73