Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya nagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya sa daong. Gumawa Kami sa kanila bilang mga kahalili at lumunod Kami sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan [ngunit hindi sumampalataya]. Yūnus 10:73 ⧉
Tafsīr:
Ngunit nagpasinungaling sa kanya ang mga tao niya at hindi sila naniwala sa kanya kaya nagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya sa arko. Gumawa Kami sa kanila bilang kahalili para sa nauna sa kanila. Nagpahamak Kami sa mga nagpasinungaling sa inihatid niya na mga tanda at mga katwiran sa pamamagitan ng gunaw. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang wakas ng lagay ng mga taong binalaan ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit hindi sumampalataya.