Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 74 sa 109 • Tagalog


ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَاءُوهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا بِمَا كَذَّبُوا بِهِ مِنْ قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ نَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِ الْمُعْتَدِينَ 74
Pagsasalin:
Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na niya, ng mga sugo sa mga tao nila at naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay. Ngunit hindi naging ukol sa mga iyon na sumampalataya sa pinasinungalingan ng mga iyon bago pa niyan. Gayon Kami nagpipinid sa mga puso ng mga lumalabag. Yūnus 10:74
Tafsīr:
Pagkatapos, matapos ng isang yugto ng panahon ay nagpadala Kami, nang matapos ni Noe, ng mga sugo sa mga tao nila. Kaya naghatid ang mga sugo sa mga kalipunan nila ng mga tanda at mga patotoo. Ngunit hindi nagkaroon ang mga iyon ng pagnanais na sumampalataya dahilan sa naunang pagpupumilit ng mga iyon sa pagpapasinungaling sa mga sugo, kaya nagsara si Allāh sa mga puso ng mga ito. Tulad ng pagsasarang ito na isinara Niya sa mga puso ng mga tagasunod ng mga sugong nagdaan, magsasara Siya nito sa mga puso ng mga tagatangging sumampalataya, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya sa bawat panahon at pook.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 73 Susunod Yūnus • Talata 75