Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 7

إِنَّ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا وَرَضُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَاطْمَأَنُّوا بِهَا وَالَّذِينَ هُمْ عَنْ آيَاتِنَا غَافِلُونَ 7 ٧

Tunay na ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin at nalugod sa buhay na pangmundo at napanatag rito, at ang mga sa mga tanda Namin ay mga pabaya, (7)

Tafsīr
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay hindi umaasa sa pakikipagkita kay Allāh para mangamba sila sa Kanya o mag-asam sila nito. Nalugod sila sa buhay na pangmundong maglalaho sa halip ng buhay na pangkabilang-buhay na mananatili. Natiwasay ang mga sarili nila rito bilang pagkatuwa rito. Ang mga pabaya sa mga tanda ni Allāh at mga patunay Niya ay mga umaayaw sa mga ito, na mga nalilingat.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba