Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 83)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 83

فَمَا آمَنَ لِمُوسَىٰ إِلَّا ذُرِّيَّةٌ مِنْ قَوْمِهِ عَلَىٰ خَوْفٍ مِنْ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِمْ أَنْ يَفْتِنَهُمْ ۚ وَإِنَّ فِرْعَوْنَ لَعَالٍ فِي الْأَرْضِ وَإِنَّهُ لَمِنَ الْمُسْرِفِينَ 83 ٨٣

Ngunit walang naniwala kay Moises kundi ilang supling mula sa mga tao niya dala ng pangamba kay Paraon at sa konseho ng mga ito na mang-usig sa kanila. Tunay na si Paraon ay talagang nagmamataas sa lupain, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga nagpapakalabis. (83)

Tafsīr
Nagpasya ang mga tao sa pag-ayaw kaya walang nagpatotoo kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa kabila ng inihatid niya na mga tandang hayag at mga katwirang maliwanag maliban sa mga kabataang kabilang sa mga tao niya, na mga anak ni Israel, sa kabila ng pangamba kina Paraon at mga malaking tao kabilang sa mga tao nito na maglihis ang mga ito sa kanila palayo sa pananampalataya nila at magpalasap ang mga ito sa kanila ng pagdurusa kung nabunyag ang kalagayan nila. Tunay na si Paraon ay talagang nagpapakamalaki na nangingibabaw sa Ehipto at mga mamamayan nito. Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya, pagpapatay, at pagpapahirap sa mga anak ni Israel.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba