Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 87)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 87

وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَنْ تَبَوَّآ لِقَوْمِكُمَا بِمِصْرَ بُيُوتًا وَاجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ قِبْلَةً وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ 87 ٨٧

Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niya, na [nagsasabi]: “Magtalaga kayong dalawa para sa mga kalipi ninyong dalawa sa Ehipto ng mga bahay. Gumawa kayo ng mga bahay ninyo [paharap] sa qiblah [ng Jerusalem]. Magpanatili kayo ng pagdarasal. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.” (87)

Tafsīr
Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Pumili kayong dalawa at gumawa kayong dalawa para sa mga tao ninyong dalawa ng ilang bahay para sa pagsamba kay Allāh lamang. Gawin ninyo ang mga bahay ninyo na nakaharap sa dako ng qiblah sa Jerusalem. Magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan. Magpabatid ka, O Moises, sa mga mananampalataya ng nagpapatuwa sa kanila na pag-aadya ni Allāh, pag-ayuda sa kanila, pagpapahamak sa kaaway nila, at paghahalili sa kanila sa lupa."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba