Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 87 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 87 sa 109 • Tagalog


وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَنْ تَبَوَّآ لِقَوْمِكُمَا بِمِصْرَ بُيُوتًا وَاجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ قِبْلَةً وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ 87
Pagsasalin:
Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niya, na [nagsasabi]: “Magtalaga kayong dalawa para sa mga kalipi ninyong dalawa sa Ehipto ng mga bahay. Gumawa kayo ng mga bahay ninyo [paharap] sa qiblah [ng Jerusalem]. Magpanatili kayo ng pagdarasal. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.” Yūnus 10:87
Tafsīr:
Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Pumili kayong dalawa at gumawa kayong dalawa para sa mga tao ninyong dalawa ng ilang bahay para sa pagsamba kay Allāh lamang. Gawin ninyo ang mga bahay ninyo na nakaharap sa dako ng qiblah sa Jerusalem. Magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan. Magpabatid ka, O Moises, sa mga mananampalataya ng nagpapatuwa sa kanila na pag-aadya ni Allāh, pag-ayuda sa kanila, pagpapahamak sa kaaway nila, at paghahalili sa kanila sa lupa."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 86 Susunod Yūnus • Talata 88