Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 88 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 88 sa 109 • Tagalog


وَقَالَ مُوسَىٰ رَبَّنَا إِنَّكَ آتَيْتَ فِرْعَوْنَ وَمَلَأَهُ زِينَةً وَأَمْوَالًا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا رَبَّنَا لِيُضِلُّوا عَنْ سَبِيلِكَ ۖ رَبَّنَا اطْمِسْ عَلَىٰ أَمْوَالِهِمْ وَاشْدُدْ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُوا حَتَّىٰ يَرَوُا الْعَذَابَ الْأَلِيمَ 88
Pagsasalin:
Nagsabi si Moises: “Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nagbigay kay Paraon at sa konseho niya ng gayak at mga yaman sa buhay na pangmundo, Panginoon namin, upang magligaw sila palayo sa landas Mo. Panginoon namin, pumawi Ka sa mga yaman nila at magpatindi Ka sa mga puso nila para hindi sila manampalataya hanggang sa makakita sila sa pagdurusang masakit.” Yūnus 10:88
Tafsīr:
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nagbigay kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao niya ng palamuti ng Mundo at mga burloloy nito bilang gayak, at nagbigay sa kanila ng mga yaman sa buhay na ito sa Mundo ngunit hindi sila nagpasalamat sa Iyo sa ibinigay Mo sa kanila, bagkus nagpatulong sila sa mga ito sa pagliligaw palayo sa landas Mo. Panginoon namin, burahin Mo ang mga yaman nila at puksain Mo ang mga ito. Gawin Mo ang mga puso nila na matigas kaya hindi sila sasampalataya malibang kapag nasasaksihan nila ang pagdurusang nakasasakit kapag hindi magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 87 Susunod Yūnus • Talata 89