Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 93)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 93

وَلَقَدْ بَوَّأْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ مُبَوَّأَ صِدْقٍ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ فَمَا اخْتَلَفُوا حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْعِلْمُ ۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ 93 ٩٣

Talaga ngang nagpatahan Kami sa mga anak ni Israel sa pinatatahanang angkop at nagtustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay saka hindi sila nagkasalungatan hanggang sa dumating sa kanila ang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon. (93)

Tafsīr
Talaga ngang nagpatuloy si Allāh sa mga anak ni Israel sa isang tuluyang napupuri at isang lugar na kinalulugdan sa pinagpalang bayan ng Shām. Nagtustos Siya sa kanila mula sa ipinahihintulot na kaaya-ayang bagay, saka hindi sila nagkaiba-iba sa usapin ng relihiyon hanggang sa dumating sa kanila ang Qur'ān bilang tagapatotoo sa nabasa nila sa Torah na katangian ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit noong tumutol sila roon ay inagaw ang mga bayan nila. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon para gumanti Siya sa nagsasakatotohanan at nagsasakabulaanan kabilang sa kanila dahil sa anumang nagiging karapat-dapat sa bawat isa mula sa dalawang [uring] ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba