Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 95)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 95

وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِ اللَّهِ فَتَكُونَ مِنَ الْخَاسِرِينَ 95 ٩٥

Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh sapagkat magiging kabilang ka sa mga lugi. (95)

Tafsīr
Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya sapagkat dahil doon ay magiging kabilang ka sa mga naluging nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Ang lahat ng pagbibigay-babalang ito ay para sa paglilinaw sa panganib ng pagdududa at pagpapasinungaling. Gayon pa man, tunay na ang Propeta ay napangalagaan laban sa pamumutawi mula sa kanya ng anuman kabilang dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba