Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 95 sa 109 • Tagalog


وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِ اللَّهِ فَتَكُونَ مِنَ الْخَاسِرِينَ 95
Pagsasalin:
Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh sapagkat magiging kabilang ka sa mga lugi. Yūnus 10:95
Tafsīr:
Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya sapagkat dahil doon ay magiging kabilang ka sa mga naluging nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Ang lahat ng pagbibigay-babalang ito ay para sa paglilinaw sa panganib ng pagdududa at pagpapasinungaling. Gayon pa man, tunay na ang Propeta ay napangalagaan laban sa pamumutawi mula sa kanya ng anuman kabilang dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 94 Susunod Yūnus • Talata 96