Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 98)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 98

فَلَوْلَا كَانَتْ قَرْيَةٌ آمَنَتْ فَنَفَعَهَا إِيمَانُهَا إِلَّا قَوْمَ يُونُسَ لَمَّا آمَنُوا كَشَفْنَا عَنْهُمْ عَذَابَ الْخِزْيِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَتَّعْنَاهُمْ إِلَىٰ حِينٍ 98 ٩٨

Kaya bakit kasi walang pamayanang sumampalataya kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito maliban sa mga tao ni Jonas. Noong sumampalataya sila ay nag-alis Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon. (98)

Tafsīr
Hindi nangyari na may sumampalatayang isang pamayanan kabilang sa mga pamayanan, na nagpadala Kami sa mga iyon ng mga sugo Namin, ayon sa isang makabuluhang pananampalataya bago mapagmasdan ang pagdurusa. Kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito dahil sa pagdating ng pananampalataya bago mapagmasdan iyon, maliban sa mga tao ni Jonas. Nang sumampalataya sila nang pananampalatayang tapat ay nag-angat Kami palayo sa kanila ng pagdurusa ng kaabahan at pagkahamak sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba