Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 99)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 99

وَلَوْ شَاءَ رَبُّكَ لَآمَنَ مَنْ فِي الْأَرْضِ كُلُّهُمْ جَمِيعًا ۚ أَفَأَنْتَ تُكْرِهُ النَّاسَ حَتَّىٰ يَكُونُوا مُؤْمِنِينَ 99 ٩٩

Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay talaga sanang sumampalataya ang sinumang nasa lupa sa kabuuan nila nang lahatan. Kaya ikaw ba ay mamimilit sa mga tao hanggang sa sila ay maging mga mananampalataya? (99)

Tafsīr
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, ang pagsampalataya ng lahat ng sinumang nasa lupa ay talaga sanang sumampalataya sila, subalit hindi Niya niloob iyon dahil sa isang kasanhian. Siya ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Kaya hindi sa kakayahan mo ang pagpipilit sa mga tao na sila ay maging mga mananampalataya sapagkat ang pagtutuon sa kanila sa pananampalataya ay nasa kamay ni Allāh lamang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba