Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 114)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 114

وَأَقِمِ الصَّلَاةَ طَرَفَيِ النَّهَارِ وَزُلَفًا مِنَ اللَّيْلِ ۚ إِنَّ الْحَسَنَاتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّئَاتِ ۚ ذَٰلِكَ ذِكْرَىٰ لِلذَّاكِرِينَ 114 ١١٤

Magpanatili ka ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala. (114)

Tafsīr
Magpanatili ka, O Sugo, ng pagdarasal ayon sa pinakamagandang paraan sa dalawang dulo ng maghapon: ang simula ng maghapon at ang wakas nito. Magpanatili ka nito sa mga oras ng gabi. Tunay na ang mga gawang maayos ay pumapawi sa mga maliit ng mga pagkakasala. Ang nabanggit na iyon ay isang pangaral para sa mga napangangaralan at isang maisasaalang-alang para sa mga nagsasaalang-alang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba