Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 119)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 119

إِلَّا مَنْ رَحِمَ رَبُّكَ ۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمْ ۗ وَتَمَّتْ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ 119 ١١٩

maliban sa sinumang kinaawaan ng Panginoon mo, at dahil doon lumikha siya sa kanila. Malulubos ang salita ng Panginoon mo: “Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno ng mga jinnīy at mga tao nang magkakasama.” (119)

Tafsīr
Maliban sa mga kinaawaan ni Allāh sa pamamagitan ng pagtutuon sa kapatnubayan sapagkat tunay na sila ay hindi nagkakaiba-iba sa paniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Dahil sa pagsubok na iyon sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba, lumikha Siya sa kanila – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya kabilang sa kanila ay malumbay at maligaya. Malulubos ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, na itinadhana Niya sa walang-hanggan, sa pamamagitan ng pagpuno sa Impiyerno ng mga tagasunod ng demonyo kabilang sa mga jinnīy at mga tao.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba