maliban sa sinumang kinaawaan ng Panginoon mo, at dahil doon lumikha siya sa kanila. Malulubos ang salita ng Panginoon mo: “Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno ng mga jinnīy at mga tao nang magkakasama.” Hūd 11:119 ⧉
Tafsīr:
Maliban sa mga kinaawaan ni Allāh sa pamamagitan ng pagtutuon sa kapatnubayan sapagkat tunay na sila ay hindi nagkakaiba-iba sa paniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Dahil sa pagsubok na iyon sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba, lumikha Siya sa kanila – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya kabilang sa kanila ay malumbay at maligaya. Malulubos ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, na itinadhana Niya sa walang-hanggan, sa pamamagitan ng pagpuno sa Impiyerno ng mga tagasunod ng demonyo kabilang sa mga jinnīy at mga tao.