Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 120 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 120 sa 123 • Tagalog


وَكُلًّا نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنْبَاءِ الرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِ فُؤَادَكَ ۚ وَجَاءَكَ فِي هَٰذِهِ الْحَقُّ وَمَوْعِظَةٌ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ 120
Pagsasalin:
Bawat isa na isinalaysay Namin sa iyo mula sa mga balita hinggil sa mga sugo ay ang nagpapatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo. Dumating sa iyo sa [kabanatang] ito ang totoo, isang pangaral, at isang paalaala para sa mga mananampalataya. Hūd 11:120
Tafsīr:
Bawat ulat na isinalaysay Namin sa iyo, O Sugo, mula sa mga ulat hinggil sa mga sugo noong bago mo ay isinalaysay Namin ito upang magpatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo sa katotohanan at magpalakas Kami nito. Dumating sa iyo sa kabanatang ito ang katotohanang walang pagdududa hinggil dito. Dumating sa iyo rito ang isang pangaral para sa mga tagatangging sumampalataya at ang isang paalaala para sa mga mananampalatayang nakikinabang sa paalaala.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 119 Susunod Hūd • Talata 121