Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, talaga sanang gumawa Siya sa mga tao bilang kalipunan nag-iisa; at [hindi Niya loob iyon kaya] hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba, Hūd 11:118 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, na gawin ang mga tao bilang kalipunang nag-iisa sa katotohanan ay talaga sanang ginawa Niya; subalit Siya ay hindi lumoob niyon kaya hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba kaugnay rito dahilan sa pagsunod ng pithaya at hangarin.