Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay ukol magpahamak ng mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan samantalang ang mga mamamayan ng mga ito ay mga tagapagsaayos. Hūd 11:117 ⧉
Tafsīr:
Hindi nangyaring ang Panginoon mo, O Sugo, ay ukol magpahamak ng isang pamayanan kabilang sa mga pamayanan kapag ang mga mamamayan nito ay mga nagsasaayos sa lupa. Nagpapahamak lamang Siya rito kung nangyaring ang mga mamamayan nito ay naging mga tagagulo dahil sa kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, at mga pagsuway.