Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 120)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 120

وَكُلًّا نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنْبَاءِ الرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِ فُؤَادَكَ ۚ وَجَاءَكَ فِي هَٰذِهِ الْحَقُّ وَمَوْعِظَةٌ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ 120 ١٢٠

Bawat isa na isinalaysay Namin sa iyo mula sa mga balita hinggil sa mga sugo ay ang nagpapatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo. Dumating sa iyo sa [kabanatang] ito ang totoo, isang pangaral, at isang paalaala para sa mga mananampalataya. (120)

Tafsīr
Bawat ulat na isinalaysay Namin sa iyo, O Sugo, mula sa mga ulat hinggil sa mga sugo noong bago mo ay isinalaysay Namin ito upang magpatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo sa katotohanan at magpalakas Kami nito. Dumating sa iyo sa kabanatang ito ang katotohanang walang pagdududa hinggil dito. Dumating sa iyo rito ang isang pangaral para sa mga tagatangging sumampalataya at ang isang paalaala para sa mga mananampalatayang nakikinabang sa paalaala.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba