Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 123)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 123

وَلِلَّهِ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَإِلَيْهِ يُرْجَعُ الْأَمْرُ كُلُّهُ فَاعْبُدْهُ وَتَوَكَّلْ عَلَيْهِ ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ 123 ١٢٣

Sa kay Allāh ang nakalingid sa mga langit at lupa at tungo sa Kanya pababalikin ang usapin sa kabuuan nito, kaya sumamba ka sa Kanya at manalig ka sa Kanya. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo. (123)

Tafsīr
Sa kay Allāh lamang ang kaalaman sa anumang nalingid sa mga langit at anumang nalingid sa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Tungo sa Kanya lamang pababalikin ang usapin, ang lahat ng ito, sa Araw ng Pagbangon. Kaya sumamba ka sa Kanya, O Sugo, tanging sa Kanya, at manalig ka sa Kanya sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay Maalam dito. Gaganti Siya sa bawat dahil sa ginawa nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba