Sa kay Allāh ang nakalingid sa mga langit at lupa at tungo sa Kanya pababalikin ang usapin sa kabuuan nito, kaya sumamba ka sa Kanya at manalig ka sa Kanya. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo. Hūd 11:123 ⧉
Tafsīr:
Sa kay Allāh lamang ang kaalaman sa anumang nalingid sa mga langit at anumang nalingid sa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Tungo sa Kanya lamang pababalikin ang usapin, ang lahat ng ito, sa Araw ng Pagbangon. Kaya sumamba ka sa Kanya, O Sugo, tanging sa Kanya, at manalig ka sa Kanya sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay Maalam dito. Gaganti Siya sa bawat dahil sa ginawa nito.