Alif. Lām. Rā’. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na malinaw. Yūsuf 12:1 ⧉
Tafsīr:
Alif. Lām. Rā'. Nauna na ang pagtatalakay sa mga ito at sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang ito na pinababa sa kabanatang ito ay bahagi ng mga talata ng Qur'ān na maliwanag sa anumang nilaman nito.