Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 12

فَلَعَلَّكَ تَارِكٌ بَعْضَ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ وَضَائِقٌ بِهِ صَدْرُكَ أَنْ يَقُولُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ كَنْزٌ أَوْ جَاءَ مَعَهُ مَلَكٌ ۚ إِنَّمَا أَنْتَ نَذِيرٌ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ وَكِيلٌ 12 ١٢

Kaya baka ikaw ay mag-iiwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo at pinaninikipan dahil dito ng dibdib mo na magsabi sila sa iyo: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang kayamanan o may dumating kasama sa kanya na isang anghel?” Ikaw ay isang mapagbabala lamang. Si Allāh sa bawat bagay ay Pinagkakatiwalaan. (12)

Tafsīr
Kaya baka ikaw, O Sugo, dahil sa nakaharap mo na kawalang-pananampalataya nila at pagmumungkahi nila ng mga talata, ay mag-iiwan sa pagpapaabot sa ilan sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot, na nakabibigat sa kanila ang pagsasagawa niyon, at pinaninikipan ng dibdib mo sa pagpapaabot niyon? [Ito ay] upang hindi sila magsabi: "Bakit kaya walang pinababa sa kanya ng isang kayamanang magpapayaman sa kanya o may dumating kasama sa kanya na isang anghel na magpapatotoo sa kanya?" Kaya huwag kang mag-iwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo alang-alang doon sapagkat Ikaw ay walang iba kundi isang mapagbabala: nagpapaabot ka ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Hindi tungkulin sa iyo ang pagsasagawa ng iminumungkahi nila na mga talata. Si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba