Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 18

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۚ أُولَٰئِكَ يُعْرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمْ وَيَقُولُ الْأَشْهَادُ هَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ كَذَبُوا عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ أَلَا لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ 18 ١٨

Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan? Ang mga iyon ay ilalahad sa Panginoon nila at magsasabi ang mga saksi: “Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila.” Pansinin, ang sumpa ni Allāh ay ukol sa mga tagalabag sa katarungan, (18)

Tafsīr
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal o anak sa Kanya. Ang mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban kay Allāh ay ilalahad sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon upang magtanong Siya sa kanila tungkol sa mga gawain nila at magsasabi ang mga saksi laban sa kanila kabilang sa mga anghel at mga isinugo: "Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban kay Allāh sa pamamagitan ng iniugnay nila sa Kanya na katambal at anak." Pansinin, itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagsisinungaling laban kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba