Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 27

فَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ مَا نَرَاكَ إِلَّا بَشَرًا مِثْلَنَا وَمَا نَرَاكَ اتَّبَعَكَ إِلَّا الَّذِينَ هُمْ أَرَاذِلُنَا بَادِيَ الرَّأْيِ وَمَا نَرَىٰ لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍ بَلْ نَظُنُّكُمْ كَاذِبِينَ 27 ٢٧

Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Wala kaming nakikita sa iyo kundi isang tao tulad namin, wala kaming nakikita sa iyo na sumunod sa iyo kundi silang mga napakahamak sa amin sa unang tingin, at wala kaming nakikita para inyo na isang kalamangan sa amin, bagkus nagpapalagay kami na kayo ay mga sinungaling.” (27)

Tafsīr
Kaya nagsabi ang mga maharlika at ang mga pinuno na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga tao niya: "Hindi kami tutugon sa paanyaya mo dahil walang pagtatangi sa iyo higit sa amin sapagkat ikaw ay tao tulad namin; dahil kami ay hindi nakikita sa iyo na [may] sumunod sa iyo maliban sa mga mababa sa amin batay sa lumitaw sa amin sa pagtingin namin; at dahil wala kayong kahigitan sa kamaharlikaan, yaman, at impluwensiya, na magpapaging-dapat sa inyo upang sumunod kami sa inyo; bagkus nagpapalagay kami na kayo ay mga sinungaling sa inaanyaya ninyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba