Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 28

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كُنْتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَآتَانِي رَحْمَةً مِنْ عِنْدِهِ فَعُمِّيَتْ عَلَيْكُمْ أَنُلْزِمُكُمُوهَا وَأَنْتُمْ لَهَا كَارِهُونَ 28 ٢٨

Nagsabi siya: “O mga tao ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya ngunit pinalingid ito sa inyo? Mamimilit ba kami sa inyo [na maniwala] rito samantalang kayo rito ay mga nasusuklam? (28)

Tafsīr
Nagsabi sa kanila si Noe: "O mga tao ko, magpabatid kayo sa akin. Kung ako ay nasa isang patotoo mula sa Panginoon ko, na sumasaksi sa katapatan ko at nag-oobliga sa inyo ng pagpapatotoo sa akin, at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya: ang pagkapropeta at ang pasugo, at naikubli ito sa inyo dahil sa kamangmangan ninyo rito, mamumuwersa ba Kami sa inyo sa pananampalataya rito at magpapasok ba kami nito sa mga puso ninyo nang sapilitan? Hindi kami nakakakaya niyon sapagkat ang nagtutuon sa pananampalataya ay si Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba