Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 28 sa 123 • Tagalog


قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كُنْتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَآتَانِي رَحْمَةً مِنْ عِنْدِهِ فَعُمِّيَتْ عَلَيْكُمْ أَنُلْزِمُكُمُوهَا وَأَنْتُمْ لَهَا كَارِهُونَ 28
Pagsasalin:
Nagsabi siya: “O mga tao ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya ngunit pinalingid ito sa inyo? Mamimilit ba kami sa inyo [na maniwala] rito samantalang kayo rito ay mga nasusuklam? Hūd 11:28
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila si Noe: "O mga tao ko, magpabatid kayo sa akin. Kung ako ay nasa isang patotoo mula sa Panginoon ko, na sumasaksi sa katapatan ko at nag-oobliga sa inyo ng pagpapatotoo sa akin, at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya: ang pagkapropeta at ang pasugo, at naikubli ito sa inyo dahil sa kamangmangan ninyo rito, mamumuwersa ba Kami sa inyo sa pananampalataya rito at magpapasok ba kami nito sa mga puso ninyo nang sapilitan? Hindi kami nakakakaya niyon sapagkat ang nagtutuon sa pananampalataya ay si Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 27 Susunod Hūd • Talata 29