Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 29 sa 123 • Tagalog


وَيَا قَوْمِ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مَالًا ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۚ وَمَا أَنَا بِطَارِدِ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ إِنَّهُمْ مُلَاقُو رَبِّهِمْ وَلَٰكِنِّي أَرَاكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُونَ 29
Pagsasalin:
O mga tao ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang yaman; walang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang. Hūd 11:29
Tafsīr:
O mga tao ko, hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng pasugo ng isang yaman sapagkat walang iba ang pabuya ko kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magpapalayo buhat sa pagtitipon ko sa mga maralita kabilang sa mga sumampalataya, na hiniling ninyo ang pagtataboy sa kanila. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, at Siya ay gaganti sa kanila dahil sa pananampalataya nila. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong hindi nakaiintindi sa katotohanan ng pag-aanyayang ito nang humihiling kayo ng pagtataboy sa mga mahina kabilang sa mga mananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 28 Susunod Hūd • Talata 30