Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 29

وَيَا قَوْمِ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مَالًا ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۚ وَمَا أَنَا بِطَارِدِ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ إِنَّهُمْ مُلَاقُو رَبِّهِمْ وَلَٰكِنِّي أَرَاكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُونَ 29 ٢٩

O mga tao ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang yaman; walang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang. (29)

Tafsīr
O mga tao ko, hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng pasugo ng isang yaman sapagkat walang iba ang pabuya ko kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magpapalayo buhat sa pagtitipon ko sa mga maralita kabilang sa mga sumampalataya, na hiniling ninyo ang pagtataboy sa kanila. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, at Siya ay gaganti sa kanila dahil sa pananampalataya nila. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong hindi nakaiintindi sa katotohanan ng pag-aanyayang ito nang humihiling kayo ng pagtataboy sa mga mahina kabilang sa mga mananampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba