Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagpapayo ko – kung nagnais ako na magpayo sa inyo – kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magpalisya sa inyo. Siya ay ang Panginoon ninyo, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.” (34)
Tafsīr
Hindi magpapakinabang sa inyo ang payo ko at ang pagpapaalaala ko sa inyo kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magligaw sa inyo palayo sa landasing matuwid at magpabigo sa inyo sa pagkapatnubay dahilan sa pagmamatigas ninyo. Siya ay ang Panginoon ninyo sapagkat Siya ang nagmamay-ari sa nauukol sa inyo kaya magliligaw Siya sa inyo kung niloob Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: